Thursday, 20 October 2016

Bituin sa Bituin







Bituin sa Bituin

Sinulat ni Lucy Lombos

October 20, 2016


Bituin sa umaga
Hindi napapansin
Sa liwanang
Tila walang ningning.

Bituin sa gabi
Sa lalim ng kadiliman
Nagpapasikat, tila di rin nasisilayan
Nasaan ka’t di mo makita?

Mata mo ba’y naka piring?
Sa paglagas ng mga dahon, tutok
Buksan pusong kumakatok
Sa katahimikan lahat malalampasan.

Bituing nagbahagi ng kaliwanagan
Pagtuturo… Pagsusumikap…Pagtugon…
Salamat, mga bituing sumilang
Kayo ngayon mga bagong anyong kislap.




No comments:

Post a Comment